3 milyong doses ng Covid-19 vaccines, naipamahagi na sa NCR para sa mass vaccination ngayong ECQ
Naipamahagi na sa National Capital Region ang nasa 3 milyong doses ng bakuna kontra Covid-19 na gagamitin para sa mass vaccination ngayong panahon ng Enhanced Community Quarantine upang mapigilan ang pagkalat ng Delta variant.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 deputy chief implementer Vince Dizon, dahil sa mga naipamahaging bakuna, maaari nang simulan ang pagbabakuna ngayong linggong ito.
Batay sa pahayag ng DOH, nangunguna ang Metro Manila sa may maraming kaso ng Delta variant na umaabot sa 146 at 4 ang aktibong kaso.
Mabilis din ang pagdami ng mga kaso na umaabot ng 123% sa nakalipas na 2 linggo lamang kumpara noong mga naunang mga linggo.
Nauna nang ipinahayag ng Malakanyang na nasa karagdagang 4 na milyong doses ng bakuna ang inilaan para sa NCR sa 2 linggong pagpapatupad ng ECQ.