3 patay at 3 sugatan matapos mahulog ang isang toyota hilux sa Itogon Benguet
Tatlo katao ang patay at tatlo pa ang sugatan matapos mahulog ang isang toyota hilux sa baguio- benguet- nueva vizcaya road partikular sa may boundary ng adonot-ambuklao,bokod benguet at guisit tiñongdan, itogon benguet.
Nakilala ang mga namatay na sina Fel Layno 60, at dalawang menor de edad na sina Judea Layno 13, at Juleah Layno, 9 na taong gulang.
Samantalang sugatan naman sina Joefel Layno 43, isang miembro ng Bambang PNP at driver ng nasabing sasakyan, Judith Layno 30, at Joreich Layno dalawang taong gulang, parehong residente ng Bambang Nueva Vizcaya.
Mabilis namang isinugod sa pinakamalapit na hospital ang mga sugatan sa pamamagitan ng mga rumespondeng mga BFP volunteer at rescuer, sa pinangyarihan ng aksidente.
Ayon kay Police Chief Inspector Vincent Tamid-ay, hepe ng Bokod PNP, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng otoridad sa naturang insidente, lalo at hindi pa pwedeng makausap ang naturang driver dahil sa kritikal na kalagayan nito sa hospital.
Posible aniyang dahil sa mechanical deffect ang dahilan kung bakit nahulog ang naturang sasakyan sa bangin na may lalim na limampung metro.
Ulat ni Freddie Rolluda