3 Patay sa pananalasa ng bagyong Kristine sa Bicol region
tatlo katao ang nasawi, anim ang sugatan habang isa ang nananatiling nawawala matapos ang malawakang pagbaha dala ng Tropical Storm Kristine na nanalasa sa ilang bahagi ng rehiyon ng Bicol.
Ayon kay Police Brigadier General Andre Dizon, PRO 5 Regional Director, tatlong tao ang inisyal na naiulat na nasawi sa Naga city, Palanas, Masbate, at Bagamanoc, Catanduanes.
Anim katao ang nagtamo ng mga sugatan sa Paracale, Camarines Norte habang isa ang naiulat na nawawala sa Iriga city.
Inihayag ni Dizon na maaaring tumaas pa ang mga bilang ng mga casualty.
Ilang lugar sa Albay ang hindi pa rin napupuntahan ng mga awtoridad.
Sa kasalukuyan nasa 303 barangay na daw sa ibat ibang lugar sa Bicol ang nakakaranas ng pagbaha habang may nakapagtala na rin sila ng 20 landslide incident
Nagpapatuloy din aniya ang Malawakang evacuation at rescue operations sa iba’t ibang lugar sa bicol
Kasama sa mga lugar na nagsagawa na ng paglilikas ang mga pulis sa Albay, Camarines Sur, Naga City at Sorsogon.
Sa datos ng PNP Region III, umabot na sa 57,733 na indibidwal o 20,662 na pamilya ang nailikas at dinala sa mga evacuation centers.
Kasabay ng rescue operations, nagpaalala ang PRO 5 sa publiko na iwasan ang pagpunta sa mga mababang lugar at mag-ingat sa mga landslide-prone areas.
Sa ngayon, patuloy ang koordinasyon ng PRO 5 sa mga Local Disaster Risk Reduction Management Offices at mga ahensya ng pamahalaan upang mas mabilis na maabot ang mga pamilyang nangangailangan ng agarang tulong.
Mar Gabriel