3 PDLs patay, 14 sugatan sa riot sa Bilibid
Patay sa tama ng bala mula sa improvised na baril ang tatlong persons deprived of liberty (PDLs) sa New Bilibid Prison noong Linggo ng gabi.
Ayon kay Bureau of Corrections Spokesperson Gabriel Chaclag, sugatan din sa insidente ang 14 pang inmates.
Nagsimula ang gulo mula sa sagutan ng magkatabing dormitories sa East Quadrant ng kulungan hanggang sa may marinig na putok ng baril at palitan ng putok mula sa improvised firearms.
Bandang 7:10 ng Linggo ng gabi nang ma-secure at maging under control ng mga tauhan ng BuCor ang lugar ng insidente.
Nagpatuloy ang clearing operations hanggang hatinggabi ng Lunes.
Narekober ng BuCor Quick Response Team ang ilang deadly weapons.
Ang mga ito ay ang sumusunod:
- One (1) pc Cal 22 Revolver w/ 9 live ammunitions
- One(1) improvised Cal 45 pistol w/ 6 empty shells
- Two(2) pcs improvised 12 gauge
pipe guns - Sixteen(16) bladed weapons
Kalaunan ay isinuko naman ang dalawang piraso ng improvised 12 gauge pipe gun na may dalawang live ammunition; at isang pistol type na maaaring kargahan ng 12 gauge shotgun shell.
Tukoy at inilagay na sa isolation area ng BuCor ang pitong PDLs na pinaniniwalaang may pangunahing kinalaman sa karahasan.
Tiniyak na papatawan ng disiplina ang mga sangkot.
Nagsasagawa rin ng malalimang imbestigasyon ang BuCor kaya inaasahang dadami pa ang matutukoy na dawit sa kaguluhan.
Moira Encina