3 Pulis-Caloocan na dawit sa pagpatay kay Kian Delos Santos, kinasuhan na ng Murder ng DOJ sa Korte Suprema
Sinampahan na ng kasong murder ng Department of Justice o DOJ ang 3 pulis na sangkot sa pagpatay sa binatilyong si Kian Delos Santos.
Ayon kay acting Prosecutor general George Catalan Jr., partikular na kinasuhan ng DOJ ng murder na paglabag sa ilalim ng Article 248 ng Revised penal code sa Caloocan Regional trial court sina PO3 Arnel Oares, PO1 Jerwin Cruz at PO1 Jeremias Pereda.
Kinasuhan rin ng planting of dangerous drugs at planting of firearm ang tatlong pulis.
Ipinagharap din ng mga kaparehong kaso ang Police asset na si Renato Perez Loveras alyas Nonong.
Sina Pereda at Cruz ay sinampahan in ng kasong Violation of Homicide na paglabag sa ilalim ng Article 128 ng Revised Penal code.
Ibinasura naman ang reklamong torture laban sa apat na respondent.
Ibinasura din ang mga kaso laban kay Chief Inspector Amor Cerillo at iba pang Pulis-Caloocan na kasama sa One Time Big Time o Oplan Galugad na ikinasa ng mga operatiba ng Caloocan Police Community Precinct 7 kung saan napaslang si Delos Santos.
Ulat ni Moira Encina
=== end ===