3 pulis na suspek sa pagpatay sa anak ni Sariaya Mayor Gayeta, iniharap sa media
Arestado ng National Bureau of Investigation o NBI ang tatlong pulis ng Tayabas PNP na suspek sa pagpatay sa anak ni Sariaya, Quezon Mayor Marcelo Gayeta.
Iniharap sa media ng NBI ang mga suspek na sina
PSupt Mark Joseph Laygo, Dating Chief of Police ng Tayabas-PNP, PO2 Lonald Sumalpong at PO1 Robert Legaspi.
Nakaharap din ng mga pulis ang mga kamaganak ng biktimang sina Christian Gayeta anak ni Mayor Gayeta at Christopher Marcelo.
Hindi napigilan ng alkalde na sugurin ang mga suspek at suntukin sa tindi ng galit dahil sa pagkamatay ng kanyang anak.
Inaresto ang tatlo habang nasa restrictive custody ng Quezon-PNP matapos boluntaryong sumuko sa kanilang Regional Director noong Marso.
Una nang nagisyu ng arrest warrant ang Korte sa Tayabas-Quezon laban sa tatlong pulis matapos kakitaan ng sapat na batayan ang isinampang double murder case ng NBI.
Ang tatlo ang itinuturong bumaril at pumatay kina Christian Gayeta at kasamahang si Christopher Mercado sa isang checkpoint sa Tayabas, Quezon noong March 19.
Ulat ni Moira Encina
Iniharap sa media ang tatlong pulis na suspek sa pagpatay sa anak ni Sariaya Mayor Gayeta.