3 testigo at 1 pa humarap sa Senado kaugnay sa pagmamaltrato sa kasambahay na si Elvira Vergara
Bukod sa pagmamaltrato sa kanilang kasambahay, maaring makasuhan ng paglabag sa labor code at child labor ang mag asawang France at Pablo Ruiz ng Mamburao, Occidental Mindoro
Yan ang sinabi ng Department of Labor and Employment o DOLE sa pagdinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights sa kaso ng pang-aabuso at pagkabulag ng kasambahay na si Elvira Vergara
Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon humarap ang apat na bagong testigo kung saan tatlo rito ay naging trabahador ng mag asawang Ruiz.
Kabilang na rito ang mag-inang sina Melinda Magno at 17 anyos na si Jerwel Rebato na anim na buwang nagtrabaho sa mag asawang Ruiz pero hindi pinasweldo.
Sabi ng mag-ina pinangakuan sila na tatanggap ng tig 4,500 na sweldo kada buwan pero wala silang natanggap mula sa mga amo.
Ayon kay Melinda, napilitan silang umalis sa trabaho dahil tinaga ni France ang kaniyang kamay pero mabuti na lang ay baligtad ang itak kaya hindi siya napuruhan
Nang tanungin ng mga senador ang Bureau of Workers, sabi ni Director Ahmma Satumba, maaari maharap ang mag asawa sa patong patong na kaso.
Kinumpirma ni Magno bago sila umalis sa mag asawang ruiz, maayos pa ang kundisyon at at nakakakita pa ang kasambahay na si Elvie Vergara.
Bukod sa mag-ina, tumestigo rin si Paolo Toling alyas Paopao na nakatikim din ng pang-aabuso sa mag- asawa
Sinabi ni Paopao na bukod sa mababang sweldo, madalas syang minumura ni France at ipinapahiya sa mga customers.
Napilitan raw siyang umalis dahil natakot siyang matulad sa sinapit ng kasambahay na nabulag dahil sa matinding pang aabuso.
Meanne Corvera