30 bagong kaso ng HIV naitatala kada araw – DOH
Patuloy ang paglobo ng mga bagong kaso ng HIV sa bansa.
Ito ang ikinababahala ng Department of Health o (DOH).
Lumalabas na mayroong 30 bagong kaso ang naiuulat kada araw, malayo sa huling ulat noong 2008 na isang bagong kaso kada araw lang ang naitatala.
Ayon kay DOH Spokesperson at Asst. Secretary Eric Tayag, 29 na ang namatay ngayong taon, at nananatili pa rin ang Pilipinas bilang rank No. 1 sa mga may bagong kaso ng HIV sa Asia-Pacific.
Pangunahing dahilan sa paglipat ng sakit ang hindi protektadong pakikipagtalik, na sinundan ng pagpapatusok sa maling sinulid at cervical transmission.
Base sa ulat 1,098 ang pinakabagong kaso noong Mayo, kung saan lumalabas na 48 porsyento ang itinaas nito kumpara sa 741 na kabuuang kaso noong nakaraang taon, na itinuturing na pinakamataas na kaso mula 1984.
Kaugnay nito, hinikayat ni Asec. Tayag ang lahat, lalo na ang kabataan na maagang magpa-test upang maiwasan na ang paghawa at pagkalat nito.
akipagpulong na rin si DOH Secretary Paulyn Ubial sa mga alkalde ng Metro Manila kung saan magsasagawa ng mga programa para maipakalat ang mga impormasyon tungkol dito.
Ito ay dahil na rin sa NCR ang may pinaka-malaking kaso ng HIV sa bansa na umabot sa 37 porsyento.