30 bagong kaso ng HIV naitatala ng DOH araw araw
Nakaaalarma ang patuloy na pagtaas ng kaso ng Human Immunodeficiency Virus sa bansa.
Sa tala ng Department of Health , nasa tatlumpung bagong kaso ang naitatala araw araw.
May pagtaaas ng isa noong 2008, apat noong 2010, siyam noong 2012, labing pito noong 2014 at dalawamput anim nito lamang nakalipas na taon.
Tungkol naman sa HIV medication, sinabi ni DOH Spokesperson Dr. Eric Tayag na sa kasalukuyan ay may ginagawa silang monitoring kaugnay naman ng tinatawag na Anti-Microbial Resistance o AMT case ng mga HIV patients.
Ang AMR ay nangangahulugang hindi na tinatablan ng Antibiotic at ito ay magreresulta sa pataas ng pataas na dosage ng gamot na ibibigay dahil sa resistant na ang katawan.
Ulat ni: Anabelle Surara