30 pang indibiduwal ipapatawag ng NBI kaugnay sa BDO hacking
Humigit kumulang 30 indibiduwal ang ipapatawag ng NBI kaugnay sa hacking ng ilang accounts sa BDO.
Sinabi ni NBI OIC Director Eric Distor na natukoy ng Cybercrime Division ang mga nasabing indibiduwal sa nagpapatuloy nitong imbestigasyon.
Una nang naaresto ng NBI sa magkakahiwalay na operasyon ang limang suspek sa hacking.
Apat sa mga ito ay kinasuhan na ng DOJ sa korte ng mga paglabag sa Cybercrime Prevention Act at Access Device Regulation Act.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente para matukoy at mahanap ang iba pang sangkot sa BDO heist.
Samantala, sinimulan na rin ng NBI ang imbestigasyon sa phishing schemes sa Landbank accounts kung saan nabiktima ang mga guro.
Hinimok ng NBI ang mga biktima na isampa sa kawanihan ang pormal na reklamo.
Moira Encina