30% venue capacity sa religious gatherings, pinayagan na ng IATF
Pinayagan na ng Inter Agency Task Force (IATF) Against COVID-19 ang hanggang 30% seating capacity sa religious gatherings sa Metro Manila at sa iba pang lugar na nasa GCQ areas with heightened restrictions.
Kinumpirma ni Justice Secretary at IATF member Menardo Guevarra na pinayagan ng IATF ang kahilingan ng mga religious groups na pahintulutan na gawing 30% ang venue capacity sa church gatherings sa GCQ areas hanggang sa May 31.
Aniya suportado ito ng lahat ng alkalde ng Metro Manila.
Ayon pa sa kalihim, aplikable ito sa lahat ng grupo at sekta ng relihiyon.
Sa unang inilabas na resolusyon ng IATF ay limitado lamang sa 10% capacity ng venue ang religious gatherings sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ.
Moira Encina