300 pang PDLs sa Bilibid inilipat sa Sablayan Prison and Penal Farm
Isa pang batch ng inmates na may kasong iligal na droga ang inilipat sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro mula sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Kasunod ito ng utos ni Justice Secretary Crispin Remulla na madaliin ang paglipat ng PDLs sa drug-related case sa regional prisons o supermax facility.
Ayon kay Bureau of Corrections Director General Gregorio Catapang Jr., aabot sa 300 PDLs ang inilipat sa Sablayan.
Sumakay ang PDLs sa 10 bus kasama ang 90 tauhan ng BuCor at katuwang ang PNP at SLEX at STAR Toll Highway Patrol units.
Aniya, ang paglipat sa PDLs ay bahagi ng pinaigting na anti-illegal drug campaign ng gobyerno.
Pero noong nakaraang taon ay sinimulan na ang paglipat sa Bilibid inmates sa ibang regional prisons bilang paghahanda sa pagsasara ng Bilibid sa 2028.
Moira Encina – Cruz