30k job seekers lumahok sa Labor Day Job Fairs–DOLE
Libu-libong Pinoy na naghahanap ng trabaho ang dumagsa sa ginawang Labor Day Job Fair nitong May 1, 2023.
Sa tala ng Department of Labor and Employment (DOLE), umabot sa 30,000 job seekers ang nagpunta sa mga job fairs hanggang alas-6 ng hapon nitong Lunes. Sa bilang na ito, halos 4,000 o 13.62% ng mga job seekers ang hired on the spot.
Ilan sa top positions na agad napunan sa mga ginawang job fair ay service crew, cashier, admin and service contractors personnel, office staff, laborer/helper, at iba pa.
May higit 600 jobseekers naman ang nabigyan ng Livelihood Assistance Opportunities.
Higit 400 naman ang binigyan ng referral para sa oportunidad na makapagsimula ng negosyo.
Habang may higit 1,000 ang natulungan namang makakuha ng Training Opportunities sa TESDA.
Ayon sa DOLE, madadagdagan pa ang bilang na ito dahil may ilang rehiyon ang tuloy pa rin ang job fair hanggang sa Mayo 5.
Ito ay sa People’s Center sa Balanga City, Bataan at Bulacan Capitol Gymnasium, Malolos City, Bulacan na gagawin sa sa Mayo 3.
Sa ikatlong palapag naman ng Alabang Public Market ay gagawin sa Mayo 5.
Madelyn Moratillo