30th anniversary ng World Aids Day, ginunita sa buong mundo…. bilang ng mga dinadapuan ng naturang sakit, dumarami – DOH
Ipinagdiriwang taun-taon ang World AIDS day tuwing sumasapit ang December 1.
Nilalayon nito na magkaisa ang mga bansa sa pagsugpo sa Human Immunodeficiency Virus/Acquired Immune Deficiency Syndrome o HIV-AIDS.
Bukod dito, makakuha rin ng suporta para sa mga taong dinapuan ng naturang sakit.
Tema ng pagdiriwang sa taong ito ay “Know your Status”…ito ang ika 30 anibersaryo ng pagunita sa World Aids day.
Sa temang ito, hinihikayat ang bawat isa na alamin ang kanilang HIV status.
Samantala, batay sa ulat ng Department of Health (DOH), umabot na sa mahigit na 8,000 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng HIV infection simula Enero, 2018, habang mahigit na 1,000 katao naman ang kaso ng aids.
Pinakamataas ang bilang ng bagong kaso ng HIV sa NCR, sinundan ng Calabarzon at ang sumunod ay ang Central Luzon.
Ayon sa United Nations program on HIV/Aids o UN-AIDS, sa kabila umano ng scientific advances sa HIV treatment, marami pa rin ang hindi nakakaalam kung paano mapo-protektahan ang sarili at ang ibang tao laban sa nasabing kondisyon.
Ulat ni Belle Surara