31st Anniversary ng DOST-STII, ginunita. “Defying Gravity” tema ng pagdiriwang

Ipinagdiwang ng Science and Technology information Institute ng Department of Science and Technology o STII ang ika-31 anibersaryo nito noong nakaraang Martes, March 27.

Tema ng pagdiriwang  ay “Defying Gravity”  na dito ay binigyang diin ni DOST Secretary Fortunato Dela Penaang pangangailangan sa pagbabago at kolaborasyon para sa mas magandang kinabukasan at mas maunlad na bansa.

Bilang pinuno ng DOST, nais ng kalihim na maging malinaw sa pagtitiyak na may kaalaman ang mga pilipino sa mga pangyayari sa larangan ng siyensiya at teknolohiya.

Gusto rin ni Secretary Dela Peña na ituwid ang impresyon na ang pilipinas ay nahuhuli pagdating sa siyensya at teknolohiya.

Kung titingnan aniya ang kolaborasyon ng Pilipinas sa mga bansa sa Asean Region, masasabing nakakahabol na rin ang Pilipinas.

Sa nakalipas na taon, naging matagumpay ang DOST-STII sa pagbuo ng malawakang plano para ihayag ang lahat ng gawain at kontribusyon ng ahensya tungo sa pagtupad ng mandato ng d-o-s-t gayun din ang mga hangad na pagbabago sa Kagawaran.

Pinuri ni Secretary Dela Peña ang STII sa mga nakamtan nitong tagumpay na iniulat ni Direktor Richard Burgos.

Sabi ng kalihim, ipinahihiwatig ng ulat ni Direktor Burgos na tagumpay ang DOST sa mga ginagawa nito para pasimulan ang pagbabago at kolaborasyon.

Lumaki ng 60%  ang budget ng STII mula 2016 hanggang 2017.

Iyon na ang pinakamalaking pagtaas ng budget sa 30 taong kasaysayan ng ahensya.

Sa ilalim ng pamumuno ni Direktor Burgos, tumanggap ang ahensya ng 70milyong pisong pondo para sa programang “Communicating Science for the People” na naglalayong palawakin at lalong gawing epektibo ang mga proyekto nito.  

Ipinagmalaki ni direktor burgos ang dalawang proyekto ng STII na kabilang sa national priority plan ng National Economic Development Authority o NEDA sa taong 2017.

Kabilang dito ang  DOSTV at Starbooks na kapwa umani ng tagumpay.

Ang d-o-s-t-v ay ang opisyal na programa ng d-o-s-t para ipahatid ang siyensya para sa tao, isulong ang kultura ng siyensya at teknolohiya, hikayatin ang kabataan na pasukin ang karera sa larangan ng stem o science, technology, engineering at mathematics, at maging mga lider sa kinabukasan.

Samantala, ang starbooks ay isang digital s & t o science and technology library in a box.

Nagtataglay ito ng impormasyon na naglalayong paramihin ang kumukuha ng kurso sa s & t. noong nakalipas na taon, mahigit sa dalawang libong sites sa buong kapuluan ang naitala.

Ginawaran ng Gold Anvil award for public relations programs at Silver anvil award for public relations tool: multimedia/digital category sa ginanap na fifty second anvil awards ang naturang proyekto ng STII.

 

Ulat ni Belle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *