32 pang rebeldeng NPA, sumuko sa pamahalaan
Nasa 32 rebeldeng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa mga otoridad.
Ayon sa Philippine National Police, ang mga rebel returnees ay sumuko kay Police Brig. Gen. Romeo Caramat Jr, PNP Regional Director sa Caraga regio.
Kabilang sa mga sumuko ang mga squad leaders sa iba’t-ibang lugar sa Agusan del Norte.
Ayon sa isang miyembro ng mga rebelde, sumuko sila dahil naghihirap na sila at nagugutom at nais nang mamuhay ng normal kapiling ng kanilang mga pamilya.
Kasama nila sa pagsuko ang kanilang mga armas kabilang ang submachinegun, M-14 rifle, labing-isang 12-gauge shotguns at anim na handguns.
Ayon naman kay PNP Chief Police General Debold M. Sinas, ang pagsuko ng mga rebelde ay mahalagang kontribusyon sa pagsisikap ng pulisya na maipromote ang adbokasiya ng pamahalaan na wakasan na ang local communist armed conflict.
Inatasan din niya si Caramat na pagkalooban ng mga benepisyo ng Gobyerno ang mga rebel returnees sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program.
Nauna nang ipinahayag ni Sinas na patuloy silang tatanggap ng mga rebel returnees kahit walang idineklarang tigil putukan ang pamahalaan laban sa mga makakaliwang grupo ngayong Holiday season.