32nd Biennial National convention, isinagawa ng Philippine Red Cross
Iba’t-ibang Media organizations at iba’t-ibang mga personalidad ang ginawaran ng pagkilala sa isinagawang 32nd Biennial National convention ng Philippine Red Cross sa Maynila.
Sa ilalim ng temang “The Lifeline of the People”, pinarangalan ang iba’t-ibang mga organisasyon sa media na nasa Online, Radio broadcast at TV Broadcast para sa kanilang mga naiambag sa Information Dissemination ukol sa mga gawain ng Red Cross at kung ano ang dapat na maiparating sa publiko.
Isa sa mga pinarangalan ay ang Eagle Broadcasting Corporation o EBC bilang pagiging Media partner ng PRC sa lahat ng adbokasiya na kanilang ginagawa para sa ating mga kababayan.
Binigyang pagkilala rin ang mga Outstanding chapter ng PRC dahil sa doble at masidhi nilang pagtulong sa mga nangangailangan lalu na sa Medical at Life-saving assistance gaya ng Blood Donations activity.
Nagpasalamat naman ang PRC Chairman at Senador Richard Gordon dahil sa malaking tulong ng media sa ginagawa nilang mga programa at adbokasiya.
Ipinrisinta rin ng PRC ang kanilang mga naging achievements gaya ng mga karagdagang kagamitan upang mas lalu pang magampanan ng organisasyon ang kanilang tungkulin sa ating mga kababayan.
Ipinrisinta rin ng PRC ang bagong sasakyan na MV Amazing Grace, isang disaster response ship na kauna-unahang hi-tech equipment na PRC pa lamang ang mayroon nito.
Kaya nitong tumakbo sa karagatan kahit na maalon.
Ang PRC ay isang foremost humanitarian organization sa bansa na nagpapatuloy na manatili ang mataas na level na pagtulong sa panahon man ng kalamidad, magkaloob ng Life saving assistance at marami pang iba.
Ulat ni Earlo Bringas
Please follow and like us: