35 bagong hukom, itinalaga sa iba’t ibang korte sa bansa
Aabot sa 35 bagong hukom ang hinirang ni Pangulong Rodrigo Duterte sa iba’t ibang korte sa bansa.
Ito ay batay sa dalawang magkahiwalay na appointment letters na natanggap ng Korte Suprema mula sa Malacañang.
Ang bagong appointees ay inilagay sa mga regional trial courts, municipal trial courts, municipal circuit trial courts, at municipal trial court in cities.
Mula sa 35 judge, 17 sa mga ito ay itinalaga sa mga korte sa Bicol Region.
Partikular sa Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Masbate, at Sorsogon.
Ang 18 naman sa mga huwes ay inilagay sa mga korte sa Visayas at Mindanao gaya sa Cebu, Negros Occidental, Negros Oriental, Bohol, Sarangani at Misamis Oriental.
Moira Encina