35 Barangay sa Ilagan city, isinailalim sa granular lockdown
Isinailalim sa 9 na araw na granular lockdown ang 35 Barangay sa Ilagan city, Isabela simula ngayong Linggo, September 26 hanggang October 4, 2021.
Ito ay dahil sa patuloy na paglobo ng mga kaso ng Covid-19.
Batay sa Executive Order No. 54 na ipinalabas ni Mayor Josemarie Diaz, epektibo ang lockdown mula alas-8:00 ng gabi ng September 26 hanggang alas-8:00 ng gabi ng October 4, 2021.
May mga itinalagang watchmen sa mga Barangay upang matiyak na hindi makalalabas ang mga nasa edad 18 pababa at 65 pataas ganundin ang mga buntis at may mga Comorbidity.
Ipatutupad din ang curfew hours mula 8:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga at epektibo rin ang liquor ban, odd-even scheme para sa mga sasakyan at per cluster rin ang schedule sa mga pamilihan.
Kabilang sa mga apektadong Barangay ay ang: Alibagu, Guinatan, Calamagui 2nd, Baculod, Bliss Village, Bagumbayan, Baligatan, Osmena, Sta. Barbara, San Vicente, Centro Poblacion, San Felipe, San Ignacio, Cabisera 2, Cabisera 4, Alinguigan 1st, Fuyo, Salindingan, Namnama, San Juan, Cabannungan 2nd, Alinguigan 2nd, Centro San Antonio, Manaring, Calamagui 1st, Camunatan, San Isidro, Siffu, Naguilian Norte, Cabisera 3, Cabiseria 8, Aggasian, Marana 3rd, Naguilian Sur, at Cabisera 22.
Ang granular lockdown ay aprubado ng City Inter-Agency Task Force.