35 bus sa Rio sinunog ng outlaw militias makaraang mapatay ang isa nilang lider sa police operation
Tatlompu’t limang bus at isang train driver’s cabin sa Rio de Janeiro ang sinunog ng hinihinalang paramilitary militia members, makaraang mapatay sa isang operasyon ng pulisya ang isa sa kanilang mga lider, sanhi upang maparalisa ang ilang bahagi ng siyudad.
Ang panununog ay nangyari matapos ang isang operasyon na ayon kay state Governor Claudio Castro ay naging sanhi ng pagkamatay ng pamangking lalaki at kanang kamay ng isang militia boss na kilala bilang “Zinho.”
Sinabi ni Castro, “The police had delivered a hard blow to one of the largest militias in the west of Rio, and that nephew, who goes by the alias “Faustao” is a known warlord.”
Labingdalawa katao rin ang inaresto ng pulisya para sa hinihinalang “terrorist actions,” habang ang city hall ay nagdeklara ng isang level-three alert sa kanilang five-level scale, na nagbababala sa mga residente at mga turista sa posibleng “high-impact incidents.”
Passengers were left stranded in the chaos / TERCIO TEIXEIRA / AFP
Sa kaniya namang post sa social media, ay tinawag ni Rio Mayor Eduardo Paes ang militia members na, “idiots as well as criminals.”
Aniya, “Militia members on the west side are burning public buses paid for with public money to protest against a police operation.”
Ayon sa public bus operators’ association na Rio Onibus, ang sinunog na 35 bus ang pinakamarami sa isang araw sa kasaysayan ng siyudad kung saan kabilang sa nasunog ang limang bus na ginamit sa special rapid-transit lines, na inilunsad para sa Rio Olympics noong 2016.
Sinabi naman ng Supervia train operators’ organization na isang train cab ang sinunog din makaraang utusan ang tsuper nito na lumabas.
Ilang biyahe ng pampublikong transportasyon sa siyudad ang nasuspinde dahil sa pangyayari.
Karaniwan na sa Rio ang police operations laban sa mga armadong criminal gang, kung saan malimit na naiipit sa crossfire ang mga residente doon.
Ayon sa isang 2020 study na ginawa ng online watchdog platforms at isang government anti-crime hotline, kontrolado ng paramilitary militia groups ang mahigit sa kalahati ng teritoryo ng siyudad, kung saan nagsasagawa sila ng mga kaguluhan sa mahihirap na mga lugar doon na tahanan ng mahigit sa dalawang milyong katao.
A train drivers’ cabin was also set alight / BRUNO KAIUCA / AFP
Ang mga miyembro ng militia ay malimit na dating mga pulis.
Noong una ay nabuo sila bilang isang neighborhood watch groups upang protektahan ang mga residente mula sa drug gangs sa lungsod na kilala sa magaganda nitong beaches at sa mararahas na krimen.
Gayunman, ang militias ay naging organized crime groups na rin na may kontrol sa mga sektor na kinabibilangan ng internet service, cable TV, transportation at construction.
Ang pinakabagong karahasan ay nangyari makaraang tatlong doktor na bumibisita sa Rio para sa isang conference ang binaril-patay sa isang beachside bar tatlong linggo na ang nakalilipas.
Ayon sa mga imbestigador, lumilitaw na tinarget ang mga ito ng mga kriminal na napagkamalang militia member ang isa sa mga doktor.