35 pesos na umento sa sahod sa pribadong sektor, tinawag na insulto ng mga senador
Tinawag ng mga senador na insulto sa mga manggagawa, ang inaprubahang 35 pesos na umento sa sahod sa pribadong sektor.
Ayon kay Senador Juan Miguel Zubiri, napakaliit ng 35-pesos na hindi pa sapat pambili ng isang kilong bigas.
Sinabi ni Zubiri na patuloy na tumataas ang presyo ng mga bilihin at serbisyo, katunayan ay umabot na ito sa 3.9% sa huling data ng PSA.
Ayon sa senador, “The wage boards should do their jobs well. Andami naming hearing sa Senado at maraming nagsabi na although maliit pa rin ang P100 na umento sa sahod araw-araw ay malaki ang maitutulong nito sa ating mga mamamayan. Eh napakaliit ng P35 para makatulong sa isang araw ng manggagawa. Hindi ito makakabili ng isang kilong bigas.”
Giit ni Zubiri, mismong mga negosyante ang umaming maliit an halaga ang 10 pesos na umento na itinutulak ng Senado.
Bakit mga taga Metro Manila lang din aniya ang makikinabang sa wage hike, samantalang mas maraming mahirap na manggagawa sa mga lalawigan.
Sinita naman ni Senate President Francis Escudero ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (TWPB), dahil sa palpak na pagbibigay ng umento sa sahod.
Saan daw ba namamalengke ang mga miyembro ng TWPB at bakit tila walang alam sa nangyayaring inflation.
Meanne Corvera