35 Tsino na iligal na nagtatrabaho bilang construction workers, arestado ng BI sa Parañaque
Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang 35 Tsino na iligal na nagtatrabaho bilang construction workers sa isang subdivision sa Parañaque.
Ayon kay BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan Jr., ito ay sa bisa ng mission order
bunsod ng mga reklamo laban sa mga dayuhang manggagawa na nagdudulot ng gulo sa isang construction site sa Parañaque.
Nagsagawa ng surveillance ang BI sa lugar kung saan nakumpirma nila ang mga nasabing illegal Chinese workers.
Sa ilalim ng polisiya ng BI, hindi pinapayagan ang mga dayuhan na mamasukan sa mga trabaho na manual labor.
Sinabi ni Manahan na dalawang Pinoy construction companies building projects sa tatlong magkakaibang kalye sa subdivision nagha-hire ng mga illegal aliens.
Nakatakdang isalang sa deportation proceedings ng BI ang mga Tsino.
Nilinaw naman ng BI na walang crackdown sa mga Chinese nationals kundi sa mga illegal aliens sa bansa.
Ulat ni Moira Encina