35th anniv. ng DOST – PCHRD ipinagdiwang, Juana at Juan ng bansa makakabenepisyo sa mga health technology na isinasagawa

 

“Health Innovations: Translating Science to Benefit” ito ang tema ng pagdiriwang ng pagsapit ng Philippine Council for Health Research and Development sa pagsapit nito sa ika-35 taong anibersaryo.

Ang PCHRD ay isa sa tatlong sectoral councils ng DOST na ang pangunahing gampanin ay i coordinate at i monitor ang mga ginagawang pananaliksik o research sa bansa.

Itinatag ito sa pamamagitan ng Executive Order No. 784 noong March 17, 1982.

Binigyang diin ni PCHRD Executive Director Dr. Jimmy Montoya na ang naturang event ay higit pa sa pagdiriwang ng anibersaryo.

Ito anya ay pagpapakita ng mahabang panahon ng committment at dedication ng mga babae , lalaki at partners nila sa kanilang mga programa na lalong nagpapaunlad ng pananaliksik para sa mas makabuluhang kontribusyon sa larangan ng Health, Science, Technology at Innovation.

Samantala, sa mensahe naman ni DOST Sec. Fortunato dela Pena, batay sa Philippine Development Plan 2017-2022, isa sa mga problema hanggang sa kasalukuyan ay ang mababang kamulatan at interest sa larangan ng agham, technology at innovation.

Ulat ni: Anabelle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *