37th Balikatan Exercise ng US at Pilipinas, natapos na
Matagumpay na natapos ngayong araw ang ika-37 Balikatan Exercise ng militar ng Pilipinas at US.
Ito ang unang Balikatan Exercise matapos ang dalawang taon dahil sa pandemya.
Sa nakalipas na dalawang linggo ay magkakasamang nagsanay ang halos 9,000 miyembro ng Armed Forces of the Philippines at US military sa Luzon.
Tumuon ang military exercise sa maritime security, amphibious operations, live-fire training, urban operations, aviation operations, counterterrorism, humanitarian assistance at disaster relief.
Umabot sa mahigit 50 aircraft, apat na barko, 10 amphibious craft, at apat na HIMARS rocket system launchers ang ginamit ng tropang Pinoy at Amerikano sa Balikatan ngayong taon.
Sa unang pagkakataon din ay ginamit ang US Army Patriot missile systems sa amphibious operations.
Nakasama rin sa Balikatan ang 40 tauhan mula sa Australian Defense Force.
Moira Encina