39% ng target population sa CALABARZON, bakunado na laban sa COVID-19

Nasa 39% na ng target na populasyon para makamit ang herd immunity sa CALABARZON ang fully-vaccinated na laban sa COVID-19.

Sa datos ng DOH CALABARZON, umaabot na sa 4.5 milyong katao mula sa 11.45 milyon na projected population sa rehiyon ang nakakumpleto ng bakuna kontra sa COVID.

Ang Cavite ang nangunguna sa may pinakamaraming nabakunahan sa Region IV-A kung saan 46% ng target population nito o halos 1.4 milyong indibiduwal ang fully-vaccinated.

Samantala, nagsagawa ng house-to-house information dissemination campaign ang mga tauhan ng DOH CALABARZON sa mga barangay sa rehiyon na may mataas na vaccine refusal.

Courtesy: DOH CALABARZON

Pinulong din ng DOH officials ang mga provincial at municipal health officers kasama ang mga guro, barangay officials at barangay health workers upang matugunan ang vaccine hesistancy.

Please follow and like us: