39 Party-List Groups pinag-aaralang alisin ng Comelec para sa 2022 Elections
May 39 na Partylist Group ang ikinukunsiderang alisin ng Commission on Elections para sa 2022 National and Local Elections.
Ayon sa Comelec ang 30 Partylist Group na kanilang pinag aaralang alisin na ay ang mga nabigong makakuha ng 2% votes at bigong makakuha ng pwesto sa Kongreso sa dalawang nakalipas na halalan. Kabilang sa 30 na ito ay ang:
Habang ang 9 na party-list groups naman na pinag aaralan ring alisin sa listahan dahil sa kabiguang makalahok sa nakalipas na 2 halalan ay ang:
Salig sa isinasaad ng RA 7941 o ang Party-List System Act, may karapatan ang Comelec na alisin o kanselahin ang registration ng anumang party-list group, organisasyon o koalisyon na bigong makalahok sa 2 nakalipas na halalan o bigong makakauha ng 2% ng boto sa ilalim ng Party-List system sa nakalipas na 2 halalan.
Madz Moratillo