4-day work week, ipatutupad sa SC simula sa Marso 28
Apat na araw na lamang ang magiging pasok ng mga kawani sa Korte Suprema simula sa Lunes, Marso 28.
Nagpasya ang Supreme Court na ipatupad ang 4-day work week kasunod ng kahilingan ng mga empleyado bunsod ng epekto ng serye ng pagtaas ng presyo ng langis.
Dahil dito, ang magiging pasok ng mga SC personnel ay 10 oras kada araw mula ika-7 ng umaga hanggang ika-5:30 ng hapon.
Hahatiin sa dalawang grupo ang mga kawani para ang lahat ng tanggapan, units, services at dibisyon ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes.
Ang unang grupo ay papasok mula Lunes hanggang Huwebes habang ang ikalawang grupo ay mula Martes hanggang Biyernes.
Hindi naman aplikable ang flexible working arrangement sa ilang opisina gaya ng Office of the Bar Confidant, Medical and Dental Services, at Security Division, at ilan pa na ang trabaho ay kinakailangan na mag-overtime.
Moira Encina