4 Katao kabilang ang isang abugado, naaktuhang gumagamit ng shabu sa isang bahay sa Quezon City
Arestado ang apat katao matapos maaktuhan ng mga tauhan ng Quezon City police district na gumagamit ng shabu sa isang bahay sa Barangay Central, Q.C.
Kinilala ang mga suspek na sina Raymond Rosales, Noel Lumagbas, Magdaleno Tabalera na dating retired employee ng BIR, at Arnel Torres na nagpakilalang abugado ng Reyes and Torres Law Offices.
Giit ng mga suspect, nagsusugal lamang umano sila ng bigla silang pasukon at arestuhin ng mga pulis.
Itinanggi rin ng mga nadakip na sa kanila ang mga shabu at hindi rin anila sila gumagamit nito.
Tikom naman ang bibig ng nagpakilalang abugado.
Ayon kay QCPD Station 10 Commander Christian Dela Cruz, isinagawa nila ang operasyon dahil na rin sa natanggap nilang impormasyon mula sa informant na may nagpa-pot session sa lugar.
Nakuha sa mga suspect ang 4 na sachet ng shabu, mga drug paraphernalia at mga kagamitang pang-sugal.
Paglabag sa Comprehensive dangerous drugs act ang nakatakdang isampa sa mga suspect.
Ulat ni Earlo Bringas
=== end ===
Please follow and like us: