4 na negosyante at kumpanya sa Maynila ipinagharap ng reklamo ng BIR sa DOJ dahil sa utang sa buwis na aabot sa mahigit ₱58M
Apat na negosyante at kumpanya na naka-base sa Maynila ang sinampahan ng BIR ng reklamong tax evasion sa DOJ dahil sa pagkakautang sa buwis na umaabot sa mahigit 58.54 million pesos.
Kabilang sa mga ito ay ang negosyanteng si Maria Cheryl Corpuz Lagat ng Sta. Cruz, Maynila dahil sa hindi binayarang buwis noong 2010 na 16.89 million pesos.
Ipinagharap din ng parehong paglabag ang negosyanteng si Eduardo Socuaje Jr. at ang kumpanya nitong Gold East Trading sa Binondo dahil sa 27.92 million pesos na tax liability noong 2010.
Hinahabol din ng BIR ang Hanwell Industrial Corp, Inc. at ang mga opisyal nitong sina Felix Chung Lopez, Presidente at Maribeth Lopez, Treasurer ng kumpanya dahil sa 4.24 million pesos na utang sa buwis mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon.
Kinasuhan din ng paglabag sa tax code ang Jin Hung Bijou Art Inc. at ang Presidente nito na si Anavette Guevarra dahil sa 9.49 million pesos na tax deficiency noong 2011.
Iginiit ng BIR na matagal na nilang inabisuhan ang apat ukol sa kanilang pananagutan pero hindi tumugon ang mga ito kaya tuluyan na nilang sinampahan ng reklamo.
Sa iginiit ng BIR na matagal na nilang inabisuhan ang apat ukol sa kanilang pananagutan pero hindi tumugon ang mga ito kaya tuluyan na nilang sinampahan ng reklamo.
Ulat ni: Moira Encina