4 Pilipino, itinalaga sa Permanent Court of Arbitration–DFA
Inanunsiyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkakatalaga sa apat na Pilipino sa Permanent Court of Arbitration (PCA).
Ayon sa DFA, ang mga ito ay sina Dr. Raul Pangalangan, Prof. Sedfrey Candelaria, Dr. Antonio Gabriel M. La Viña at Philippine Ambassador to the Netherlands J. Eduardo Malaya.
Isinumite ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo ang pangalan ng apat na International Law experts.
Alinsunod sa 1899 at 1907 Hague Convention for the Pacific Settlement of International Disputes, ang bawat member state ay maaaring magtalaga ng hanggang apat na indibiduwal na may natatanging expertise sa International Law.
Moira Encina