40 graduates, nagkatrabaho sa ilalim ng internship program ng DOLE
Apatnapung college graduates sa Benguet ang binigyan ng pansamantalang trabaho ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ito ay sa pamamagitan ng Government Internship Program o GIP ng labor department, kung saan magkakaroon ng aktuwal na trabaho ang mga ito at makatatanggap ng suweldo.
Sinabi ni Benguet Congressman Eric Yap, na 350 pesos ang matatanggap ng mga intern bawat araw.
Ayon kay Yap, sa ilalim ng programa ay mararanasan ng fresh graduate students na magkatrabaho sa kanila mismong mga lugar at hindi na kailangang lumipat ng lugar o magtungo sa Maynila para lamang magkaroon ng work experience.
Aniya, kailangan ng mga batang empleyado laluna at panahon ngayon ng pandemya.
Kailangan aniya ng energetic at passionate young workers, na maaaring mapakinabangan sa mga tanggapan ng gobyerno kapalit ng job experience at suweldo batay sa umiiral sa kanilang lugar sa ilalim ng batas.