42 warrant of arrest inisyu ng mga awtoridad laban sa USAFFE
Nag isyu ng warrant of arrest ang pinagsanib na pwersa ng mga awtoridad laban sa grupong United States Allied Freedom Fighters of the Far East o USAFFE at kay Atty. Ely Pamatong sa purok 13 sitio Tabucnay, Tablon Cagayan de Oro.
Apatnaput dalawang warrant of arrest ang inisyu ng mga tauhan ng Philippine National Police, Philippine Army , NBI at CIDG para mahalugad ang compound na pinagkukutaan ng grupo.
Sinabi ni Major Evan Biñas, station commander ng Cagayan de Oro PNP, ginawa nila ang hakbang matapos magbanta si Pamatong na lulusob sa kampo ng PNP.
Aniya , nakatanggap sila ng mga ulat na may itinatagong ibat ibang uri ng kalibre ng baril ang grupo ni Pamatong.
Inihayag pa ni Biñas , gumawa agad sila ng aksyon para matiyak na hindi matulad sa Marawi ang kanilang lalawigan.
“Sa ngayon po ito ay nagbi-build up ng paramilitary o private army. At base sa mga impormasyon na nakarating sa amin mayroon siyang mga armas na in custody kaya upang hindi matulad sa nangyari sa lanao at inaksyunan na ng gobyerno natin sa tulong ng cidg , armed forces ang pag-implementa ng search warrant”. – Major Evan Biñas
Ulat ni: Marinell Ochoa