43 preso sa Ecuador patay dahil sa riot
Nasa 43 bilanggo ang nasawi sa nangyaring riot sa Ecuador.
Ang riot ay nagsimula sa magkalabang grupo ng Los Lobos at R7 sa Santo Domingo prison, na nasa bayan ng Quito.
Nabatid na sinamantala ng ilang preso habang nagkakaroon ng riot para tumakas, kung saan 108 sa mga ito ang nagtagumpay na makatakas mula sa bilangguan.
Samantala, ilang bilanggo na sangkot sa riot ang isinugod sa ospital.
Please follow and like us: