44 Brgy. sa Ilagan city, Isabela, isinailalim sa 7-days lockdown
Isinailalim sa localized lockdown ang 44 Barangay sa Ilagan City, Isabela sa loob ng 7 araw.
Ipinatupad ito simula kahapon, alas-12:00 ng hatinggabi ng Abril 14 at magtatagal ng hanggang alas-12:00 ng hatinggabi ng Abril 21.
Ito ang naging pasya ng local Inter-Agency Task Force matapos pumalo sa 257 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa lunsod.
Sa datos ng City Epidemiology Surveillance Unit, bagamat bumaba nasa 7.16% ang average daily attack rate o porsyento nag nahahawa, nananatili pa rin ito sa kategoryang High-risk.
Sa kasalukuyan, nasa 1,692 na ang Covid-19 cases sa lunsod, 1,402 ang mga nakaekober at 33 ang namatay.
May naitala ring dalawang kaso ng UK Variant sa lunsod.
Sa ilalim ng lockdown tanging mga essential worker ang papayagang lumabas ng bahay, kasabay din ng pagpapatupad ng Liquot ban, paggamit ng Quarantine Pass at tigil biyahe ng anumang uri ng mga pribadong sasakyan maliban sa mga emergency situation.
Habang maaari namang bumiyahe ang mga pampublikong sasakyan pero ipatutupad ang number coding scheme sa mga tricycle.
Bwal din ang mga Dine-in sa mga fastfood chanin at restaurants.
Erwin Temperante, EBC Correspondent