45-46 Degree Celsius Heat Index, naitala sa ilang bahagi ng bansa

 

Nakapagtala na ng lagpas na 45 hanggang 46 degrees celsius na heat index ang Pag-asa kahapon sa ilang bahagi ng bansa.

Sa datos ng Pag-Asa, ang tatlong lugar na nakapagtala ng pinakamataas na temperatura kahapon ay ang Tuguegarao city na umabot sa 38.6 degrees celsius; Cabanatuan 37.7 degrees celsius, at San Jose Occidental Mindoro 37.5 degrees celsius.

Pero ang naitalang heat index ng Pag-asa o ang init na naramdaman ng mga tao sa San Jose, Occidental Mindoro ay pumalo sa 46.2 degrees celsius, sa Dagupan city 45.5 degrees celsius, at sa Sangley point sa Cavite ay 45. 3 degrees celsius.

Samantala ngayong araw, sinabi ni Pag-asa weather specialist Ariel Rojas, patuloy na makararanas ng mainit at maalinsangang panahon sa bansa.

Walang anumang sama ng panahon na binabantayan ang pagasa na maaring makaapekto saan mang panig ng bansa.

Tanging Easterlies lamang ang umiiral at makararanas pa rin ng localized thunderstorm sa hapon o gabi.

 

===============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *