45 democracy activists, ipinakulong ng Hong Kong

Pro-democracy activist Joshua Wong was one of those sentenced to jail terms. REUTERS/Tyrone Siu/File photo

Pinatawan ng sentensiya ng mataas na hukuman ng Hong Kong ang 45 pro-democracy activits, upang makulong ng hanggang sampung taon.

Kabuuang 47 pro-democracy activists ang inaresto at kinasuhan noong 2021 nang pagsasabwatan upang gumawa ng subersiyon, laban sa isang Beijing-imposed national security law at naharap sa hatol ng hanggang sa habangbuhay na pagkakakulong.

Si Benny Tai, isang dating legal scholar na tinaguriang “organizer” ng 47 pro-democracy activists, ay sinentensiyahan ng sampung taong pagkakabilanggo. Ang mga sentensiyang ipinataw ay mula sa apat na taon hanggang sampung taon.

Ang mga kaso ay may kaugnayan sa pag-oorganisa ng isang hindi opisyal na “primary election” noong 2020 upang pumili ng pinakamainam na kandidato para sa paparating na legislative election. Ang mga aktibista ay inakusahan ng mga taga-usig nang pagpaplano na iparalisa ang gobyerno sa pamamagitan ng pagsasagawa ng potensiyal na “disruptive acts” kung nagkataong sila ay nahalal.

Binatikos ng US ang paglilitis bilang “politically motivated” at sinabing dapat palayain ang mga democrat dahil “payapa ang paglahok ng mga ito sa political activities” na legal naman.

Ang nominee ni US President-elect Donald Trump bilang secretary of state na si Marco Rubio, ay mahigpit na kritiko ng paglilitis at sa isang naunang bukas na liham ay pinuna nito ang pagpapataw ng sentensiya sa 47 democrats.

Aniya, “It’s an evidence of the national security law’s comprehensive assault on Hong Kong’s autonomy, rule of law, and fundamental freedoms.”

Sinabi ng Chinese at Hong Kong governments, na ang national security laws ay kinakailangan upang maibalik ang kaayusan pagkatapos ng maramihang pro-democracy protests noong 2019, at ang democrats ay trinato nang naaayon sa mga lokal na batas.

Pagkatapos ng 118 araw na paglilitis, 14 sa democrats ang nasumpungang guilty noong Mayo, kabilang ang Australian citizen na si Gordon Ng at aktibistang si Owen Chow, habang dalawa ang napawalang-sala.

Ang 31 iba pa ay nag-plead ng guilty, kasama ang student activist na si Joshua Wong at Tai. 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *