46% ng mga Pinoy, maaaring hindi makaboto sa 2022 National elections

46 na porsyento ng mga Filipino ang walang balak bomoto sa eleksyon sa Mayo kung mananatiling mataas ang kaso ng Covid-19 sa kanilang lugar.

Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, batay ito sa resulta ng Pulse Asia survey na kaniyang pinondohan.

Sa kaniyang priveledge speech sa Senado, sinabi ni Zubiri na sa naturang survey tinanong ang publiko kung mataas ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa inyong lugar o Barangay sa araw ng eleksyon sa Mayo 2022, kayo ba ay lalabas at boboto o hindi?.

35 percent lang sa mga respondents ang nagsabing oo, 46 percent ang nagsabing hindi habang 19 percent ang wala pang desisyon.

Sa survey, karamihan sa mga nagsabing hindi ay taga-Metro Manila habang mayorya sa oo ay taga-Mindanao.

Nababahala si Zubiri dahil kung ganito ang magiging sitwasyon, ang mga mahahalal na susunod na Pangulo, Bise-Presidente hanggang sa mga Konsehal ay hindi iboboto ng mayorya sa mga Filipino.

Kasabay nito, umapila ang Senador sa Inter-Agency Task Force na bilisan pa ang pagbabakuna at gawing pantay ang distribusyon ng Covid-19 vaccine lalo na sa mga lalawigang walang sapat na hospital o medical facility para tugunan ang mga kaso ng virus infection.

Kailangan rin aniyang tiyakin ng Comelec na sa araw ng halalan masuusunod ang mga health protocol para mahikayat ang publiko na bumoto.

Meanne Corvera

Please follow and like us: