48 test ng PRC Subic laboratory, valid at reliable
Ikinatuwa ng Phil. Red Cross (PRC), ang findings ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM), na valid at reliable ang COVID-19 RT-PCR swab tests ng Red Cross.
Nagpasalamat din ang PRC sa patas na imbestigasyon ng RITM-DOH tungkol sa nasabing usapin.
Matatandaan na inihayag noon ni Pangulong Rodrigo Duterte, na may mga false positive cases na nasuri ang PRC laboratory sa Subic, Zambales.
Una na ring ipinaliwanag ni PRC Chairman Sen. Richard Gordon, na hindi lang para sa mga gamit ang sinisingil, kundi pambayad din sa mga medical technologist at iba pang tauhan na nanganganib din ang buhay sa pag-aasikaso sa mga sample.
Salungat ito sa unang tinuran ng pangulo na hindi makatwiran ang mataas na singil sa RT-PCR tests ng Phil. Red Cross.
Ani Gordon, hindi matatawaran ang trabaho ng mga nagsusuri sa test dahil nanganganib na sila ay ma-impeksiyon.
Dagdag pa ng Senador, naging biktima sila ng walang basehang mga alegasyon na ang layunin ay sirain ang kredibilidad ng PRC sa publiko.