5.024 trillion pesos na National budget , pinagtibay ng Senado
Pinal na pinagtibay ng Senado ang panukalang 5.024 trillion pesos na National budget .
Dalawampu’t dalawang Senador ang bumoto pabor sa House Bill No. 10153 o 2022 General Appropriations Bill.
Ayon kay Senate finance committee Chairman Sonny Angara , malaking bahagi ng pondo ay gagamitin para tulungan ang mga apektadong sektor na makabangon sa matinding epekto ng pandemya.
Nakapaloob rin sa 2022 National budget ang pondo para sa booster shot laban sa COVID-19, ay dagdag na benepisyo ng mga healthcare worker at pagkuha ng mga karagdagang medical frontliners.
Aabot sa 230 Billion pesos ang inaprubahang pondo para sa Department of health mas mataas kumpara sa 182 billion na inaprubahan ng Kamara.
Samantala , dinagdagan ng Senado ang inilaang pondo ng NTF-ELCAC sa final version ng budget.
Sa halip na 4 billion pesos na pinatatapyasan ng mga Senador , ginawa itong 10.8 billion pesos pero mas mababa pa rin ito kumpara sa 19 Billion pesos na pondo ng ahensya ngayong taon.
Meanne Corvera