₱5.024T, 2022 Proposed Nat’l Budget , isusumite na ng Malakanyang sa Kongreso sa August 23
Isinasapinal na ng Malakanyang sa pamamagitan Department of Budget and Management o DBM ang 2022 National Expenditure Program o Proposed General Appropriation Act.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque kabuuang 5.024 trilyong piso ang panukalang pambansang budget para susunod na taon na isusumite ng Malakanyang sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Lunes August 23.
Ayon kay Roque ang social services sector ang pinaglaanan ng may pinakamalaking pondo na umaabot sa 1.922 trilyong piso o 38.3 percent ng kabuuang National Budget at gagamitin ito sa health related services na may kaugnayan sa pagpapatupad ng Universal Health Care Act, pagbili ng COVID 19 vaccines, personal protective equipment at iba pang gamit sa paglaban sa pandemya ng COVID 19.
Inihayag ni Roque ilalaan din ang bahagi ng National Budget sa Education Related Programs hinggil sa pagpapatupad ng universal access to quality tertiary education.
Ikalawang sektor na may pinakamalaking bahagi sa pambansang pondo ay ang economic services sector na may kabuoang 1.474 trilyong piso na gagamitin sa flagship projects sa ilalim ng build build build program.
Ikatlong mabibigyan ng malaking bahagi ng pondo ay ang General Public Services sector na may kabuuang 862.7 Bilyong piso.
Niliwanag ni Roque 10.8 percent ng National Budget o 542.3 bilyong piso ay pambayad sa utang ng bansa habang ang defense sector ay mabibigyan naman ng 224.4 bilyong piso.
Sa mga departamentong makakukuha ng pinakamalaking alokasyon sa National Budget nangunguna ang Department of Education 773.6 bilyong piso sumunod ang Department of Public Works and Highways 686.1 Bilyong piso, Department of Interior and Local Government 250.4 Bilyong piso, Department of Health 242 Bilyong piso, Department of National Defense 222 Bilyong piso, Department of Social Welfare and Development 191.4 Bilyong piso, Department of Transportation 151.3 Bilyong piso, Department of Agriculture 103 Bilyong piso at Department of Labot and Employment 44.9 Bilyong piso.
Vic Somintac