5.3 magnitude na lindol,naitala sa Surigao del Sur – PHIVOLCS
Niyanig ng 5.3 magnitude na lindol ang Surigao del Sur kaninang alas 6:10 ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS , naitala ang sentro ng lindol sa layong 63 na kilometro hilagang – silangan ng bayabas .
May lalim ang naturang pagyanig na labing limang kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Naitala ang instrumental intensity IV sa Bayabas, Surigao del Sur
Habang instrumental Intensity I naman sa Surigao City.
Wala namang naitalang pinsala mula sa pagyanig at wala ring inaasahang aftershocks.
Please follow and like us: