5.5 milyong halaga ng ecstasy, kush at valium nasabat ng BOC at PDEA
Aabot 5.5 milyong pisong halaga ng ecstasy,kush o high grade na marijuana at valium ang nasabat ng Bureau of Customs -Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) at Philippine Drug Enforcememt Agency (PDEA).
Ang 1,490 tablets ng ecstasy na nagkakahalaga ng 2.3 milyon ay mula umano sa Germany at idineklara bilang regalo.
Ang 2.9 milyong halaga ng kush o marijuana naman ay mula umano sa sa Estados Unidos at idineklara bilang tortilla chips.
Ang consignee ng dalawang parcel ay mula umano sa Cavite at San Juan city.
Ang may -ari ng marijuana ay una ng naaresto at nasa kustodiya ng PDEA.
Habang ang 56,000 halaga ng valium tablets naman ay for export sana sa 36 consignees sa Estados Unidos, Abu Dhabi, Germany, Saudi Arabia, France, Sweden, Spain at UK at pinadala ng 4 na magkakaibang shipper mula Parañaque at Bulacan.
Ayon kay BOC-NAIA district collector Mimel Talusan, ang mga iligal na droga ay nasabat sa mga post office sa Pasay at Parañaque.
Ulat ni Madelyn Moratillo