5.6-M doses ng bakuna ng Pfizer at Astrazeneca, darating sa PHL sa 1st quarter ng taon
Ipinahayag ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na halos 5.6 milyong doses ng Pfizer -Biontech at Astrazeneca ang darating sa bansa ngayong unang quarter ng taon.
Ayon kay Galvez , isang sulat ang kanilang natanggap mula sa managing director ng World Health Organization – led Covax facility na si Aurelia Nguyen na nagsasabi na darating sa bansa ang higit siyam punto apat na milyong doses ng vaccines mula sa dalawang pharmaceutical company.
Base aniya kay Nguyen , ang unang batch ng 117, 000 doses ng Pfizer at lima at kalahating milyong doses ng Astrazeneca ay darating sa kalagitnaan hanggang katapusan ng Pebrero.
Sinabi ni Galvez na maaring gamitin ang unang batch ng vaccines ng mga health worker at iba pang frontliners.