5 Barangay captain sa Maynila, pinatawan ng 6 months Preventive suspension ng Ombudsman

Limang kapitan ng barangay sa Lungsod ng Maynila ang sinuspinde ng Office of the Ombudsman sa loob ng 6 na buwan dahil sa iba’t ibang paglabag. 


Ngayong araw nilagdaan ni Manila City Mayor Isko Moreno ang suspension order laban sa mga nasabing Barangay official. 


Kabilang sa mga sinuspinde ay sina:

Barangay 123 chairman Mario Banal na nasuspinde dahil sa grave misconduct, pag-abuso sa kapangyarihan at gross dishonesty; pansamantala namang magsisilbing acting chairman si Councilor Ricardo Caravan Jr. 


Barangay 11 chairman Leonard Recto na nasuspinde naman habang  patuloy pa ang imbestigasyon laban sa kanya matapos sampahan ng reklamo ng tanggapan ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño; Pansamantala namang magsisilbing acting chairman si Councilor Nelissa Reyes Ong.

Barangay 449 chairman Romeo Garcia na sinuspinde naman dahil sa Grave Misconduct, Dishonesty at Conduct unbecoming of a Public official; Pansamantala namang magsisilbing acting chairman si Councilor Nestor Mamaril.


Barangay 418 chairman Jonas Bartolome na sinuspinde naman habang naka- pending pa ang imbestigasyon sa mga kinaharap na reklamo ng Grave misconduct, Serious dishonesty at pag-abuso sa kapangyarihan ; Pansamantala namang magsisilbing acting chairman si Councilor Teofilo Ferrer Jr. 

Barangay 283 chairman Niño Anthony Magno na sinuspinde rin dahil sa reklamo mula sa tanggapan ni DILG Usec. Diño dahil sa Grave misconduct, Abuse of Authority, Serious Dishonesty at paglabag sa Republic Act No. 6713 o ang Code of Conduct and Ethical standards for Public officials and employees; Pansamantala namang magsisilbing acting Chairman si Councilor Alma Bacani. 

Madz Moratillo

Please follow and like us: