5 days na face-to-face classes tuloy sa Nobyembre
Mananatili ang limang araw na mandatory in person o face to face classes sa November 2.
Ito ang nilinaw ni Vice president at Education Secretary Sara Duterte kasunod ng mungkahi ni Pangulong Bongbong Marcos Jr, na ituloy ang blended learning pero sa mga piling lugar lamang.
Ayon kay Duterte, isa sa mga itinanong niya sa Pangulo sa cabinet meeting ang posibilidad ng institutionalization ng blended learning bilang paraan ng pagtuturo.
Ang utos aniya ng Pangulo maghanda ng plano para sa blended learning modality pero sa ilang piling lugar o eskwelahan lamang.
Dapat ngayon pa lamang aniya tukuyin kung saan saang mga lugar sa bansa magkakaroon ng blended learning para maihanda ang pangangailangan ng mga mag aaral.
Sinabi ng kalihim desidido na ang Pangulo na ibalik ang in person classes simula sa pasukan sa Agosto.
Sa ngayon naghahanda na aniya ang Deped ng kanilang mga plano.
Pero wala pa raw itong ibang detalye dahil isusumite at paaprubahan pa sa Pangulo.
Meanne Corvera