5 Lungsod sa Pilipinas, pasok sa top 10 ng “Safest Cities in Southeast Asia”

Limang lungsod sa Pilipinas ang napasama sa Top 10 ng mga pinakaligtas na lungsod sa buong Southeast Asia ngayong 2018.

Ang Top 10 Safest cities in Southeast Asia 2018 ay ibinahagi sa social media ni Senador Sherwin Gatchalian.

Pumangalawa sa listahan ng 10 pinakaligtas na mga lunsod ay ang Valenzuela city na mayroong safety index na 74.79.

Kasama din sa listahan ang Davao City na nasa ika-apat na pwesto at may safety index na 71.21.

Nasa ika-limang pwesto ang Makati City na mayroong 60.44 safety index.

Ikaanim ang Baguio City na may 59.43 na safety index at nasa number 8 ang Cebu City na mayroong 55.72 safety index.

Ang iba pang nasa Top 10 ay ang Singapore na nasa unang puwesto at may safety index na 83.77.

Ang Chiang Mai, Thailand ay  nasa ikatlong pwesto, ang Bali, Indonensia – pang-pito, Penang Malaysia – ika-siyam na pwesto at nasa pang-sampung pwesto ang Bangkok, Thailand.

================

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *