5% Mandatory savings sa government agencies , inirekomenda
Inirekomenda ni Taguig Pateros Congressman Alan Peter Cayetano na magpatupad ang gobyerno ng five percent na mandatory savings sa lahat ng tanggapan ng gobyerno.
Ito’y para makalikom ng sapat na pondo para sa ayuda ng mga pinakamahirap na pamilyang pilipino.
Ayon kay Cayetano, hindi sapat ang 500 pesos na inaprubahang tulong pinansyal ng pamahalaan para sa mahihirap na pamilya at hindi lahat makikinabang dito.
Ginawa na aniya ito noong Ramos administration kung saan nagpatupad ng 10 percent na mandatory savings kaya nakalikom ng P 250 billion.
Kung makakalikom ng pondo maari rin aniyang mabigyan ng ayuda hindi lang ang mga beneficiary ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program kundi ang mahihirap na pamilya na tinulungan ng gobyerno nang manalasa ang COVID- 19.
Ngayon pa lang aniya bumabangon ang mga pamilyang Pilipino sa hagupit ng COVID- 19 pero nagkaroon naman ng krisis at pagtaas ng presyo ng krudo kaya apektado ang publiko.
Meanne Corvera