5 Pinoy Seafarers na nasugatan sa pag-atake ng Russian Missile, ligtas na -DMW
Ligtas na at nasa maayos nang kalagayan ang apat na tripulanteng Pinoy na nasugatan sa pag-atake ng Russian Missile sa isang Liberian-flagged ship na nakadaong sa Port of Pivdennyi malapit sa Odessa, Ukraine.
Ayon sa Department of Migrant Workers, nasa bridge ng barko ang mga Pinoy at malayo sa point of impact kaya hindi naging malubha ang kanilang kalagayan.
Ang apat na Pinoy ay kinabibilangan ng Kapitan ng Barko, Seaman, Deck Cadet at Electrician ng Barko.
Maliban sa ating mga kababayan, nasugatan din sa pag-atake ang isang Port Employee at ikinamatay ng isa pang dayuhan.
Kasalukuyang ginagamot on-board ang ating mga kababayang nagtamo ng minor injuries.
Inatasan din ng DMW ang Manning Agency ng mga Filipino Seafarer na ipagkaloob sa kanila ang mga kinakailangan pang tulong.
Nakipag-ugnayan na rin ang ahensiya sa mga pamilya ng Pinoy Seafarers para ipaalam ang kanilang kalagayan.
Ang civilian ship na Kmax Ruler, na isang Liberian-flagged ship ay dumaraan sa Black Sea Region ng Odesa nang tamaan ng Russian Missile.