5 Rehiyon sa bansa na may mababang vaccination rates, tututukan sa 2nd phase ng Bayanihan Bakunahan
Tututukan ng pamahalaan sa idaraos ng ikalawang bugso ng Bayanihan Bakunahan sa Dece,ber 15-17 ang ilang rehiyon sa bansa na natukoy na may mababang vaccination rates.
Sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na kabilang sa mga rehiyong ito ay ang:
- Region 3 – Central Luzon
- Region 4A – CALABARZON
- Region 6 – Western Visayas
- Region 7 – Central Visayas
- at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM)
Sabi ni Vergeire, ang mga rehiyon na ito ay pupuntahan mismo ng mga volunteer, kasama ang mga pribadong sektor at non-government organization.
Umaasa ang pamahalaan na mapatataas ang antas ng pagbabakuna sa lahat ng rehiyon sa bansa gaya ng matagumpay na Bayanihan Bakunahan phase 1 noong November 29 – December 1 na pinalawig pa ng hanggang December 3.
Please follow and like us: