50 % capacity sa mga religious gathering sa ilalim ng General Community Quarantine, pinayagan na ng IATF
Mula sa dating 30 percent ay pinayagan na ng Inter Agency Task Force o IATF na gawing 50 percent ang capacity ng mga religious gatherings sa ilalim ng General Community Quarantine o GCQ.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque epektibo sa February 15 ang desisyon ng IATF na gawing 50 percent capacity na ang mga religious gatherings.
Samantala inihayag ni Roque na pinagtibay din ng IATF na buksan na at luwagan pa ang ilang mga negosyo at industriya sa ilalim din ng GCQ.
Ayon kay Roque kabilang sa mga bubuksan ng negosyo ay Driving School, mga sinehan o traditional cinemas, video and interactive game arcades ,libraries, archives, museums, cultural centers, meetings, conferences and exhibitions at limitadong social events.
Idinagdag ni Roque inaprubahan din ng IATF ang muling pagbubukas ng limited tourist attractions tulad ng parks, themed parks, natural sites at historical landmarks.
Niliwanag ni Roque ang muling pagbubukas ng mga nabanggit na negosyo at industria ay subject sa implementing guidelines na mula sa kinauukulang regulating agencies ng pamahalaan kasama ang mga Local Government Units o LGU’S kung saan mahigpit na ipatutupad ang minimum health standard.
Vic Somintac